Mundong Magkaiba, Sa Isipan..
"A dull world" by AmaterasuOmikami
Ako'y nagninilay-nilay sa mundong pati iba'y ginagalawan. Sarili'y nakatitig sa lugar na nababalutan na ng dilim. Ano ba't nandito ako at nakaupo, isipang nagtatanong, isipan din naghahanap ng sagot. Mag gagabi na at nandito pa rin ako. Kay sarap naman dito, ito lang nagagawa ang bagay na di gingagawa ng iba marahil nakakapagod nga gumawa ng ganto. Isipang nabubulok sa wala. Balik sa pagtanong at pagtingin sa mundong sinisilayan na ng dilim. Patuloy sa pagisip, lumilipad sa kawalan. Buntong hininga lang aking binigay sabay ngiti na parang may nagsabi ng biro, may naalala lamang sa nakaraan. Sa pagisip ko bibig simulang magbigay tono "hmmm hmmm mmm hmmm hmm" humahanap ng tamang salita hindi magawa. Patuloy sa pagkantang walang salita, patuloy pa din sa pagtingin ko sa paligid na di mawari ang kalungkutang binibigay nito. Tignan mga taong pagod na din sa mundo, tignan mga taong masayang ginagawa ang gusto "gusto ko pang mabuhay" dinig nila sa kanilang isipan. Bawat isa may sariling mundong gingalawan, sa sarili nakatago nais gawin ng pasikreto. Mundo nila ninanais ding gumalaw sa mundo ng iba.
Pinikit ang mata hindi na mataiim ng sarili ang nangyayari, tumingin sa itim na lingit may mga butil na kumikinang, mga talang tila nakadikit lang. Naisip ko may kagandahan parin sa dilim kung ika'y titingin, pag-asa ang tamang salita. Ang gandang pagmasdan mula sa aking kinauupuan, aking kamay sinubukang abutin mga bituing nakasabit.
Buntong hininga lamang sa mundong sawa ng titigan, sawa ng kalagyan. Kung dapat may gawin pag-asa at paraan dapat pairalin. Iwan ang di kayang magawa, humarap sa mundo ng kinabukasan maabot lamang ang lugar ng kasiyahan na hangad. Mula sa kinauupuan ako'y tumayo, tumigil saglit upang siyasatin ang kinauupuang wala ng buhay at huling silay sa mundo at sila sabay ngiti upang magpaalm "sa uulitin"...

Comments