Isang Kwento

Farewell by Takeru San
Masaya kami. Yun ang lagi kong iniisip at naalala. Hindi ko mahintay na mag bukas na muli para makita ko siya, masulyapan mga ngiti niya at marinig ang mga bawat tawa niya sa biro ko. Pag nakikita ko siya hindi ko matiis ang humanga sa isang simpleng nilalang na tulad niya. Tuwing sasapit ang umaga maririnig ko na ang pangalan ko na tinatawaf mula sa labas ng bahay namin. "Hoy! tara na!" Kailangan ko na maghanda at magmadaling mag ayos malamang matinding gala na naman ito. Isang part time manlalakbay papel naming dalawa sa mundo. Kala mo gusto tatakan ang bawat lugar na napuntahan ng mga pangalan namin. Hindi naman ganoon kalayo napupuntahan namin, basra sa mga lugar lang na kayang abutin ng mga paa at pera namun. Ok nako, ayos na. Sa paglabas ko ng bahay andun siya nagaabang sa harap ng bahay, tinitignan mga taong dumadaan na animo'y walang pakealam. Nilapitan ko siya at binati ng may ngiti. Tumingin siya sakin, ngumiti at sabay suntok sa braso, "Tagal mo, para kang babae kumilos. Ready ka na ba?" tumungo na lang ako na may ngiting pagalinlangan sabay hila sa braso ko palabas ng bahay. Saan ba ang punta? Malay ko, kung san kami dadalhin ng paa niya. Nakakapagod man pero nawawala yun dahil kasama ko siya, hindi ako nalulungkot at sulit ang lahat. Pinaka masaya ang foodtrip naming dalawa, kaen dito, kaen doon. Pag napagod tambay muna sa gutter. Sa pagdating ng gabi yun na ang oras ng uwiang malungkot na para sakin. Hindi ako nabobored kasama siya, bawat araw ay bago, bawat araw may surpresang maganda minsan hindi. Nakakatuwamg isipin, dito ko sa tambayan inaalala lahat ng mga lakbay na walang humpay. Naalala ko kung pano siya magkwento, detakyado, nakakatuwa siya pagmasdan para akong nanunuod ng TC, kumpleto kasi sa action, pagkumpas ng kamay, expression ng mukha, linya na sinasabi. Kahangahanga, Ako? Parang munting bata na nakikinig sa isang story teller. Nakakatuwa din pag inaasar ko siya sa pakikinig at pangbabara, hindi niya maiwasang ngumuso na may halong pananakit. Biro lang yun lagi ko sinasabi sa kanya na may ngiti. Ginagawa ko yun makita ko lang siya na masaya, ginagawa ko yun kasi importante siya sakin at ang totoo mahal ko siya. Madami na kaming pinagsamahan maikli man ang oras o mahaba, eto nagpapakulay ng mundo ko, dahil sa kanya. Isang matinding hampas sa likod ang naramdaman ko, balik sa mundo ang utak ko. Masakit at sa sakit wala akong nagawa. "Andito ka pala! Masakit ba? kanina ka pa kasi tulala para kang baliw." Hindi ako nakapagsalita sa sakit at nginitian na lang siya. Nagmumuni muni at may inaalala lang nasabihan pang baliw. Hindi kumpleto ang araw pag hindi siya nagiging siga sakin, sanay na siguro ako sa ganun. Tumabi siya sakin at huminga ng malalim, "Aalis ako. Gusto ko ng malawak na paglalakbay. Makita pa lahat ng lugar na hindi ko pa nakikita." Napaisip ako bakit?"Gusto ko maglakbay, makita mga nakikita ng tao, nakit naging importante sa kanila ang lugar na yun, makita mga kahanga hangang senaryo." Magandang ideya nga yun, makita ang kalawakang ng muno. Nakikita ko sa kanya ang pagkaexcite, pero hindi matago ang lungkot na pinapahiwatig ng kanyang mga mata. "ayoko iwan ang lahat, pero gusto ng puso ko ang umalis bago mawala ang lahat sana makita ko man lang ang mga ito." Andito naman ako, isasama mo ba ko o sarili mo ng paglalakbay yun? tanong ng isip ko gusto kong sabihin ngunit walang lumaba labas na salita. Gusto kitang ma protektahan sa panganib, mailigtas sa masasama, at mabantayan ka sa pagtulog mo. Ang katahimikan ng kapaligiran ang nagpalungkot sakin, ang malaman na aalis siya, tumungin ako sa kagandahan ng kalingitan habang niraramdaman ang lamig ng hangin at ang init ng araw. "Magandang ideya na yun diba? Babalik din naman ako sigurado yun, hindi din naman forever maglalakbay ako. Nalulungkot ka ba?" Ngumiti ako at ayoko ipakita sa kanya na nalulungkot ako. "Gusto mo bang sumama? Malungkot kung ako lang magisa, gusto ko din naman ishare ang kagandahan ng lugar na makikita natin. diba?" Hindi ako sumagot, mahirap din namang iwan ang mga bagay na naging parte ng buhay mo. Gustohin ko man pero matinding pag desisyon yun. Tinignan ko siyang muli, at nakita ko ang luha sa kanyang mga mata. Ang makita siyang umiyak ang nagpa basag ng katahimikan ng lugar at ng puso ko.Ngumiti siya sakin at tumayo siya "Pasensya na, alam ko iniisip mo at naiintidihan ko yun." Naglakad siya papalayo, pinilit ko abutin ang kamay niya ngunit hindi ko na iti naabutan. Sa hindi kalayuan kita ko siyang lumalayo na, pinilit ko siyang pigilan ngunit may pumipigil sakin ang sarili ko. Tumigil siya at tinignan niya ako muli, pinunasan ang mga luhat at isang matamis na ngiti ang kanyang ipinakita. "Paalam na, hindi kita makakalimutan. Salamat ha sa isang maganda at pinakamasayang paglalakbay na binigay mo. Salamat!" Hindi ko naisip na yun na ang huli namin pagkikita at huling ngiti na kanyang pinakita. Hindi na. Alam ko andun na siya sa walang hanggang paglalakbay na alam kong masaya siya. Masakit malamang wala na siya pero alam ko masaya siya sa lugar na patutunguhan niya. Ang magandang alala niya ay mananatili sakin, dito sa puso ko. Hindi ko man nasabing mahal ko siya pero ang maparamdam sa kanya yun ay sapat na para malaman niyang hindi siya nagiisa. Gaano man katagal ang panahon isa itong kayaman sakin. Salamat at Paalam.

Comments