Blogsode: Tagalog Moment

Hindi matakasan ang maging malungkot sa pagkakataong maramdaman ko ulit ang ganon. 'Pagod nako' minsan sinsabi ko sa sarili ko yun. Sinsabi ko naman bat di ka tumigil at magpahinga. Hindi, hindi pwede marami pwedeng mawala sakin na hindi ko namamalayan. Nasasaktan ako sa mga parteng mahina ako, umiiyak din ako kung may pagkakataon maging payapa lang ang lahat. Sa bawat na hindi mabilang patak ng luha, pinagmamasadan ko ang sarili kung gano pa rin ako kalakas, at kung san ko pa kayang magpatuloy. Isa akog duwag, pero sinusubukan pa rin harapin ng may tapang ang lahat kahit alam kong talo ako sa dulo.
Tama na, yun din sabi ko pero matigas ang ulo ko eto pa rin ako patuloy sa ginagawa ko. Humahabol, kahit pagod na maabot ko lang ang dapat kong maabot hindi ako takot gawin yun. Sa tingin ko aman lahat ng bagay ay may halaga at patutunguhan kaya dapat ipaglaban. Pero hanggang kailan? Sinusubukan ko ang sarili, hinahamon ang mundo, isang kalokohan. Umiiyak sa sakit pero may binibigay akong ngiti sa bawat taong hindi makita aking mga luha, sa bawat taong bulag, at sa mga taong walang oras mabuhay. Isang ngiti ang ibibigay ko. Ako ito, ang taong hindi maintindihan. Hanggang kailan din bako ibibigay ng buhay?

Comments